Pinag-iingat ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko laban sa paghahayag ng pagkakakilanlan o anumang personal na impormasyon ng mga persons under investigation (PUIs) o nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, masama ang maaaring maging implikasyon kapag naisapubliko ang pagkakakilanlan ng mga PUIs o pasyenteng nagpositibo sa sakit.
Ani Liboro, posibleng maghatid ito ng takot sa publiko na magtungo sa ospital para magpasuri kahit pa may nararamdaman nang sintomas ng virus.
Giit ni Liboro, mahalaga rin na maingatan ang impormasyon at pagkakakilanlan ng mga taong naapektuhan ng sakit.
Gaya aniya ng ginagawa ng Department of Health (DOH) na piling impormasyon lamang ang inilalabas para rin sa kaalaman ng publiko.