Kasalukuyan nang inaalam ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang pagkakakilanlan at ibang impormasyon ng isang Pinay na napaulat na naaresto kahapon sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa pakikipag kunstabahan umano nito sa mga terorista.
Ayon kay Ambassador Ezzedin Tago, wala pa silang natatanggap na opisyal na impormasyon sa mga balitang lumalabas sa mga pahayagan ng saudi patungkol sa pinay na kinilalang sa pangalang Lady Joy.
Inaresto ang Pinay kasama ang isang Syrian na lalaki matapos makumpiska sa bahay na tinutuluyan nila ang mga gamit na pampasabog at iba pang kagamaitan para sa mga suicide bomb attack.
Ayon din sa mga balita, si Lady joy ay isa umanong runaway Overseas Filipino Workers na puwersahan umanong kinasama ng Syrian.
Samantala, nangangamba naman ang ilang mga OFW sa Saudi Arabia na baka madamay sila sa pagkakaaresto ng nasabing Filipina.
By: Jonathan Andal