Malabo pa ang pagkakakilanlan ng sinasabing limang Pilipinong naaresto sa Malaysia kaugnay ng umano’y pagiging miyembro nila sa teroristang grupong isis.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa,”
Tiniyak ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose na hindi pa tiyak kung Pilipino nga ang mga naaresto.
Ayon kay Jose, nakuha lamang ng Philippine media sa pahayag ng Malaysian police ang impormasyong Pilipino ang mga nadakip.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni DFA Assistant Secretary Charles Jose sa BNSP
By: Avee Devierte