Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaloob ng gratuity pay sa mga Contract of Service at Job Order na mga kawani ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap o kasipagan sa trabaho.
Ito’y batay sa ipinalabas na Administrative Order no. 3 ni PBBM kung saan sakop dito ang lahat ng mga government employees
Nakapagserbisyo ng kahit apat na buwan ng aktwal na satisfactory performance sa kanilang trabaho at ang mga kontrata ay epektibo pa rin hanggang nitong Dis. 15 ngayong taon.
Ayon sa direktiba ng Presidente, hindi lalagpas sa limang libong piso ang ibibigay sa kanilang gratuity pay sa mga ito.
Ang mga nakapagserbisyo nang wala pang apat na buwan ay bibigyan pa rin ng one-time gratuity pay sa ilalim ng pro-rata basis o halagang hindi lalagpas ng apat na libong piso para sa tatlong buwan, tatlong libong piso sa mga nakadalawang buwan, at hindi lalagpas sa dalawang libo sa mga nakapagserbisyo ng kulang sa dalawang buwan.
Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang mga lokal na pamahalaan na i-adopt din ang pagbibigay ng gratuity pay sa kanilang mga empleyado.