Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagsupindi ng Oman sa pag-po-proseso ng working visa sa kanilang bansa.
Ayon sa POEA naglabas ng kalatas ang Oman Ministry of Manpower ng desisyon kaugnay sa pansamantalang pagpapatigil ng pagkuha ng mga dayuhang manggagawa.
Ito aniya ay bilang bahagi ng nationalization policy kung saan pag-aaralan ng pamahalaan ang epekto at posibleng benepisyo sa kanilang mamamayan at ekonomiya ng naturang polisya.
Itinakda hanggang Hulyo 24 taong kasalukuyan ang hindi pagpo-proseso ng work visa ng Ministry of Manpower.
Gayunman, nilinaw na ang mga Visa na inisyu bago ang Enero 24 ay mananatiling balido hanggang sa pagtatapos nito.