Pinabulaanan ng Savemore Market ang nagtrending na isang TikTok post na umano’y ikakaltas o ibabawas sa mga tauhan nito ang hindi mabebentang Turon na ibinibenta sa nasabing pamilihan.
Ito’y matapos kumalat sa social media ang ilang post partikular ang isang TikTok post ng isang netizen matapos matuwa aniya ang isang empleyado ng Savemore nang bumili siya ng Turon dahil sa umano’y ibabawas sa kanilang mga sahod ang Turon na hindi mabibili.
Naglabas naman ng pahayag ang pamilihan kaugnay rito at nilinaw na hindi binabawasan o kakaltasan ang sahod ng mga empleyado nito sa mga Turon na hindi mauubos.
Habang nakipag-ugnayan na anila ito sa mga tauhan ng Zabarte Savemore Branch na binanggit sa naturang TikTok post.