Ikinatuwa at pinapurihan ni Sen. Risa Hontiveros ang pagkakapasa ng “First 1,000 days Law”, matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago sumapit ang buwan ng Disyembre.
Ayon sa mambabatas, maituturing na “Best Holiday Gift” para sa mga ina at sanggol ang bagong batas na Republic Act 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.”
Layon nito na mabigyan ng health at nutrition services ang mga bata sa unang 1,000 araw ng kanilang pagsilang sa mundo.
Nakasaad rin sa naturang batas ang pagkakaloob ng comprehensive, sustainable multi-sectoral strategies at approaches para masolusyonan ang health at nutrition problems ng mga new born babies at kabataan, pregnant at lactating women.
Sa ngayon, inaantabayanan na lamang ang agaran at epektibong implementasyon ng nasabing batas.