Ikinatuwa ng liderato ng kamara ang pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang magbibigay ng kapangyarihan sa punong ehekutibo na suspendihin ang pagtataas ng kontribusyon o premium hike sa PhilHealth at Social Security System (SSS).
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco ang pagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo ay maituturing na pinaka tamang aksyon para bigyan ng ginhawa ang publiko sa gitna ng pandemya.
Inaasahan na aabot sa 30-milyong PhilHealth members at higit sa 37-milyong SSS members ang makikinabang dito oras na suspindihin ng pangulo ang taas-singil.
Mababatid ang nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara na House Bill 8461 at 8512 ay pawang mga panukalang iniakda ni Velasco para aniya’y makatulong sa bawat Pilipino lalo’t may nararanasan pang pandemya.