Kinondena ng Malakaniyang ang ginawang pamamaslang sa dating editor ng pahayagang Business World na si Michael Marasigan at kapatid nitong si Christopher nuong Huwebes.
Batay sa inilabas na kalatas ni Undersecretary Joel Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security, kanila nang hiniling sa Eastern Police District na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.
Nais ding mabatid ng tanggapan ni Egco kung ano ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima lalo pa’t riding – in – tandem na naman ang sangkot sa krimen.
Kasunod nito, nangako si Egco na kanilang tututukan ang pagsasagawa ng imbestigasyon at titiyaking ligtas ang mga mamamahayag mula sa anumang banta o karahasang gayundin sa kanilang pamilya.