Aminado ang Philippine Army na bumaba ngayon ang morale at nakararamdam ng galit ang mga sundalo laban sa mga pulis.
Kasunod ito ng nangyaring engkuwentro umano sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu nitong lunes na nagresulta sa pagkakapatay sa apat na miyembro ng 11th infantry battalion.
Ayon kay Lt/Gen. Gilbert Gapay, ang commanding general ng Philippine Army, walang nangyaring sagutan sa pagitan ng mga pulis at sundalo bago nangyari ang sinasabing engkuwentro.
Kasunod nito, tiniyak ni Gapay na hahanapin nila ang katarungan para sa mga kasamahan nilang nasawi sa naturang insidente.
Nanindigan din si Gapay na hindi misencounter kung hindi murder ang ginawa ng mga pulis sa kaniyang mga tauhan dahil walang bitbit na baril ang mga ito nang mangyari ang sinasabing engkuwentro.