Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang ginawang operasyon ng kanilang mga tauhan sa Capiz kamakailan.
Ito’y kaugnay sa pagkakasawi ng siyam at pagkakaaresto ng 17 mga hinihinalang miyembro umano ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Ildebrandi Usana, posible aniyang kabilang ang mga ito sa indigenous people’s o katutubo na nahikayat sumama sa armadong pakikibaka.
Nanindigan si Usana na may hawak na search warrant ang kanilang mga tauhan nang magsagawa ang mga ito ng operasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente hinggil sa galaw ng grupo.