Kinumpirma ng PNP o Philippine National Police ang pagkakapatay sa teroristang si Basit Usman.
Ayon sa PNP Crime Laboratory, nagtugma ang DNA sample na kinuha sa balat ni Usman.
Ikinumpara sa DNA ng ina nito na si Singkorya Dagkog Usman at sa pamangkin na si Hairudin Balt Usman na kapwa sumailalim sa buccal swabbing para makunan sila ng saliva sample.
Matatandaang noong Mayo 3, namatay sa kamay ng MILF 106th Brigade si Usman sa Sitio Balas, Barangay Upper Muti sa Guindulungan, Maguindanao.
By Meann Tanbio