Hindi palalampasin ng Malakanyang ang insidente kaugnay ng pagkakapuslit ng ilang toneladang shabu papasok ng bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tiyak na pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagawing aksyon kaugnay sa nasabing insidente lalo’t mainit aniya ito sa iligal na droga.
Aniya, magkikita sila bukas ng Pangulo at kanyang aalamin ang magiging hakbang nito.
Gayunman, naging maingat si Andanar sa usapin kaugnay ng panawagan ng ilang mambabatas na pagbibitiw sa tungkulin ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon.
Paliwanag ni Andanar, hayaan munang makapagpaliwanag si Faeldon sa Senado at Kamara at hintayin ang magiging pasya ng Pangulo kaugnay sa pagkakalusot ng P6.4-B na halaga ng shabu sa BOC.