Pasok sa tinatawag na enrolled bill theory ang pagkakaratipika sa Tax Reform and Acceleration Inclusion o TRAIN Law.
Ito ang inihayag ng Malakanyang sa gitna ng pagkuwestiyon sa Supreme Court ng Makabayan Bloc sa ligalidad ng tax reform.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng enrolled bill principle, ito ay ang sertipikasyon ng isang batas na kapwa dumaan sa Senate President at House Speaker batay na rin sa isinasaad ng saligang batas.
Ang naturang prinsipyo anya ay nirerespeto at kinikilala ng hukuman kaya’t kumpiyansa sila na ang kinukuwestiyong quorum ng Makabayan Bloc sa Kamara ay kayang depensahan sa pamamagitan ng enrolled billed principle.
Noong Huwebes ay dumulog sa S.C. ang opposition Congressmen sa pag-asang makakukuha ng temporary restraining order at harangin ang pagpapatupad ng batas sa panibagong tax system.