Kumpiyansa si Agriculture Sec. William Dar na matatapos na ang outbreak ng African Swine Fever sa bansa dahil sa mga ginagawang bakuna para rito.
Iyan ang inihayag ng kalihim sa pagharap nito sa pagdnig ng joint committee ng Kamara hinggil sa epektong dulot ng nasabing sakit sa kakapusan ng suplay ng pagkain sa bansa.
Ayon kay Dar, isinusulong na ng kagawaran ang mga hakbang nito upang magkaroon ang access ang pilipinas sa mga dine-develop na bakuna kontra ASF na siyang sagot upang maparami ang populasyon ng mga baboy sa bansa.
Panawagan naman ni Danny Faustino, pangulo ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated sa pamahalaan na huwag ipitin ang budget na kinakailangan ng DA.
Binigyang diin ni Faustino na ang kabiguan ng gubyerno na solusyunan ang problema ng kakapusan ng suplay ng pagkain sa bansa ay dahil sa pahirapang kuha ng budget para rito.