Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa pagkakaroon ng backlog sa isinasagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ng pamahalaan.
Ito ay sa gitna na rin ng mga panawagan ng taumbayan para sa COVID-19 mass testing at real-time na pagpapalabas sa datos ng mga kumpirmadong kaso sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may ilang factors o kadahilanan na nakakaapekto sa pagpoproseso ng mga resulta ng pagsusuri para sa COVID-19.
Aniya, kumplikado ang proseso sa COVID-19 test at hindi ito maaari ikumpara lamang sa pagsasagawa ng pregnancy test.
Samantala inisa-isa naman ni Dr. Marife Yap, executive ng Health Systems Development Organization na Thinkwell ang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng backlog sa testing para sa COVID-19.
Kabilang dito, ang hindi naaabot na cut off time na 6:00 ng gabi ng ilang mga laboratoryo para makapagsumite ng report sa DOH at ang pagkakaroon ng kakulangan sa mga tauhan magsasagawa ng tests.