Inihayag ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng COVID-19 surge sakaling may panibagong variant ng virus ang makapasok sa bansa.
Ito’y matapos ma-detect ang 17 bagong kaso ng BA.2.12.1 variant sa bansa.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, Epidemiology Bureau Chief, kung mayroon anyang papasok na bagong variant of concern na tinatawag na immune escaping malaki ang magiging epekto nito sa Pilipinas.
Aniya, malaki rin ang posibilidad na sumirit ang kaso kung hihina ang immunity ng mga nabakunahan na indibidwal kontra COVID-19.
Dagdag ni de Guzman, ang variant na BA.2.12.1 ay 20% hanggang 27% na mas nakahahawa at immune-escaping din.
Ipinabatid pa ni de Guzman na may ilang mga lugar sa bansa na nag-ulat ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga nakaraang buwan ngunit hindi ito napapanatili.