Lalong nabuhayan ang mga karerista matapos malaman na magdaragdagan ng dalawa pang araw ang karera kada linggo.
Ito’y makaraang payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagkakaroon ng dalawa pang racing days simula Hulyo 1 ngayong taon.
Ngunit inatasan ng IATF ang Philippine Racing Commission (Philracom) na dapat tiyakin nito na nasusunod ang health & safety protocols, gayundin ang paggamit ng contact tracing application sa lahat ng off-track betting stations.
Matatandaang inaprubahan ng IATF ang limitadong operasyon ng tayaan ng karera sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).