Inamin ni dating House Speaker Prospero Nograles na posibleng totoo na nagkaroon ng DDS o Davao Death Squad na nasa likod ng extrajudicial killings sa Davao City.
Gayunman, hanggang sa kasalukuyan anya ay nananatiling kuwestyonable kung mayroon itong basbas ng Pangulong Rodrigo Duterte na noo’y alkalde ng Davao City.
Kinumpirma rin ni Nograles na kilalang tirador sa Davao City si Edgar Matobato, ang nagpakilalang miyembro ng DDS na tumestigo sa Senado.
Bahagi ng pahayag ni dating House Speaker Prospero Nograles
By Len Aguirre | Ratsada Balita