Pinaplano na ng korte suprema ang pagkakaroon ng digitalized format para sa darating na bar examinations sa bansa.
Kasunod ito ng pagiging matagumpay ng kauna-unahang digitalized 2020-2021 examinations na ginawa nitong Pebrero.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, parte ito ng kanilang plano upang maging digital ang judiciary’s adjudicative at administrative system.
Nanawagan naman ang chief justice sa Legal Education Board (LEB), Philippine Association of Law Schools at Deans na mga Law School na i-adopt ang pagbabago.
Ang Chair ng 2022 bar examinations ay si Justice Alfredo Benjamin Caguioa. -sa panulat ni Abigail Malanday