Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill 7108 o panukalang “Dog Stations in Shopping Malls Act”.
Ito’y sa gitna ng tumataas na bilang ng mga fur parent o mga may alagang aso.
Sa naturang panukala ni Parañaque Representative Edwin Olivarez nakasaad ang mandatoryong paglalagay ng mga shopping malls kahit isang dog station sa loob ng kanilang pasilidad kung saan pwedeng iwan ang mga alagang aso habang naglilibot o namimili ang kanilang amo.
Naniniwala ang Kongresista na ang naturang panukala ay magbibigay proteksyon sa mga alagang hayop partikular sa mga alagang aso.