Isinusulong ni Davao City Representative Paolo Duterte ang isang panukalang batas na layong magkaroon ng kahit isang e-learning center sa bawat lungsod o bayan sa bansa.
Ito’y upang mapaigting ang availability at accessibility ng online learning ngayong panahon ng pandemya.
Batay sa House Bill 453, binanggit na matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic sa educational system ng bansa kaya’t mahalagang maiangat ang kalidad ng sistemang pang-edukasyon at maging ang kagalingan ng mga estudyante at guro sa pamamagitan ng mas accessible na ‘alternative modes of learning’.
Giit ni Duterte, maraming kabataan ang nawalan na ng ganang mag-aral o tumigil na sa pag-aaral dulot ng kaliwa’t kanang hamon na kinakaharap nila sa gitna ng krisis.