Gustong alamin ni ang Probinsyano Representative Ronnie Ong mula mismo sa kagawaran ng edukasyon kung gaano ka-epektibo ang umiiral na blended learning sa bansa.
Ayon kay Ong, kinakailangang gawin ng ahensya ang makakaya nito para ma-asses o masukat pagiging epektibo ng naturang paraan ng edukasyon.
Marami ani siyang natatanggap na mga reports na hirap ang mga magulang sa blended learning.
Bukod pa rito, binigyang diin din ni Ong na ang mahalagang malaman ay kung talaga nga bang natututo ang mga mag-aaral.
Matapos na nito, at tsaka na ani Ong pag-aralan kung pwede na muling magkaroon ng face-to-face classes sa mga low risk areas o sa mga lugar na kakaunti ang kaso o walang kaso ng virus.
Paliwanag ni Ong, pinangangambahan niya na mapag-iwanan na ang ating mga mag-aaral.