Nauwi na umano sa humanitarian crisis ng Haiti ang mga matinding kilos protesta laban sa pamahalaan.
Dahil dito, umapela na ng tulong sa international community ang pangulo ng Haiti na si Jovenel Moïse.
Ang pamahalaan ni Moïse ay humaharap sa galit ng tao dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin, kawalang seguridad at alegasyon ng katiwalian.
Una nang sinabi ng World Food Program ng United Nations na isa sa bawat tatlong mamamayan ng Haiti ang nangangailan ng agarang tulong para makakain araw-araw.
Gayunman, nahihirapang makapasok ang mga tulong dahil sa barikada ng mga raliyista at laganap na karahasan.