Malapit nang magkaroon ng internet satellite sa Pilipinas.
Ito ay matapos lagdaan ng Astranis at Orbits Corp. ang kasunduan na magdadala ng internet connectivity sa iba’t ibang sulok ng bansa sa pamamagitan ng MicroGEO satellites.
Inanunsyo ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na opisyal na tatawaging “Agila” ang unang satellite sa bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mapauunlad ng nasabing kasunduan na nagkakahalaga ng $400 million ang digital transformation ng Pilipinas.
Sa MicroGEO satellites, makikinabang ang higit 30,000 na barangay at 10 million internet users.
Inaasahan ding makalilikha ito ng mahigit sa 10,000 direct at indirect jobs.