May ilan sa ating nangangarap na manirahan sa Japan. Kung isa ka sa mga ito, dapat may alam ka sa kanilang mga batas na iba sa atin sa Pilipinas.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng kotse.
Sa Pilipinas, maaari kang makabili ng kotse at iparada ito kung saan-saan, ngunit sa Japan, bawal ito.
Ito ay dahil bago makapag-may ari ng kotse, kailangan mo munang mapatunayan na mayroon kang parking space o garahe na malapit sa iyong tirahan.
Sa ilalim ng 1962 Garage Act, kailangan munang kumuha ang mga motorista ng Shako shomeisho o “garage certificate” mula sa lokal na pulisya upang makapagrehistro ng sasakyan.
Mahigpit itong ipinatutupad sa Japan upang makontrol ang trapik at maiwasan ang mga nakaparadang sasakyan sa sumasakop sa mga kalsada.
Kung wala kang budget para makabili ng parking space, pwede namang mag-renta, basta’t pasok ito sa 2km radius mula sa iyong bahay.
Sa Pilipinas, mayroon nang ilang panukalang batas na sinubukang ipatupad ang regulasyon sa pagbebenta ng mga sasakyan sa pamamagitan ng paghingi ng proof-of-parking space, katulad sa Japan.
Sa ngayon, wala pang naipasa sa mga panukalang batas na ito.