Maraming kasabihan na ang mga taong nagkakakuliti sa mata ay iyong mga naninilip, pero hindi po ito totoo.
Ang kuliti o sty sa english ay isang masakit at mapulang impeksyon sa talukap ng mata na maihahalintulad sa isang tigyawat o pigsa.
Ang mga sanhi ng kuliti ay:
- Ang pagpasok ng mikrobyo sa mata sa pamamagitan ng natanggal na pilik-mata,
- Ang paggamit ng luma o expired na make-up,
- Ang hindi pag-alis ng eye make-up sa gabi, at
- Ang paghawak sa mata ng maruruming kamay.
Para mapagaling, gawin ang sumusunod;
- Lagyan ng hot compress ang kuliti.
- Para sa kuliti o pigsa, may tulong ang hot compress sa pagpapahinog ng kuliti. Mas lalambot ang kuliti at bibilis ang pagputok nito.
- Puwedeng patakan ng antibiotic eye drops ang mata.
Para naman makaiwas, sundin ang mga payong ito.
- Huwag gaano mag-make-up sa mata o gumamit ng eyelash curlers.
- Kung ikaw ay may contact lens, huwag muna itong gamitin.
- Itapon ang mga lumang make-up. Huwag ipagamit ang make-up sa iba at baka kayo magkahawahan.
- Maghugas palagi ng kamay at gumamit ng sabon. Tandaan, sa iyong kamay din nanggaling ang impeksyon ng iyong kuliti.