Imumungkahi ni Senator Nancy Binay sa Liderato ng Senado na tingnan ang posibilidad na pahusayin ang ventillation sa Session Hall.
Ito ayon kay Senator Binay ay para maging mas ligtas na lugar ang Plenary Session.
Sa ngayon kasi anya ay sobrang kulob ang session hall kung saan wala itong maayos na ventillation o labasan ng hangin.
Ayon kay Binay sa kanyang tanggapan laging nakabukas ang mga bintana para nagsi-circulate ang hangin at maiwasan ang hawahan.
Ngayon araw ay balik sesyon ang mga senador pero mananatiling hybrid kung saan may mga dadalo physically at mayroong virtually.
Samantala, ngayon ay naka self-quarantine ang mister ni Senator Binay makaraang magpositibo sa COVID 19. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)