Sadyang malaking tulong lalo na ngayong may pandemya ang malakas na signal ng internet.
Kaya namang 3 kilalang social media personalities ang nagbahagi ng mga benepisyong hatid ng Globe at kung bakit sa kasalukuyan ay #besttimewithglobe.
Kabilang sa mga personalidad na ito ang 25-year-old na si Dr. Kilimanguru, host DJ na si jhai Ho, at ang komedyanteng si Kiray Celis.
Sinabi ni Dr. Kilimanguru o Winston Tiwaquen sa tunay na buhay at isang lisensiyadong doktor na malaking tulong sa kanya ang globe data para maipaabot sa mahigit 5 milyong followers niya sa tiktok at facebook dahil sa mga simpleng payo at impormasyong pangkalusugan.
Ayon kay Dr. Kilimanguru, malaki ang bahagi ng Globe para mapanatili siyang updated at konektado hindi lang sa kanyang mga pasyente at mga fans kundi maging sa kanyang pamilya.
Puno naman ng magagandang memories si DJ Jhai Ho sa mahigit 10 taon niyang pagiging customer ng Globe kung saan naka depende siya simula pa noong high school lalo nat nagagamit niya ang globe rewards nito.
Halos lumaki na si Kiray na kasama ang Globe na maganda aniya ang serbisyo na nagsisilbing daan para mabilis niyang makontak ang kanyang pamilya dahil ito ang mayruong pinakamalakas na signal sa buong bansa.
Bukod sa mga promo, mayroon ding perks at rewards ang Globe gaya ng device deals, plan discounts, at sim samplers samantalang maaari ring mapakinabangan ng mga customer ang mga digital platform gaya ng Gcash at healthtech services na konsulted at healthnow at iba pang mga benepisyo para sa mga customer.