Para sa mga may malaking tiyan, alam niyo ba na may masama itong dulot sa ating kalusugan?
Ang taba sa tiyan ay kadalasang makikita sa mga laman loob.
Ito ang tinatawag na visceral fat na nagdudulot ng mga seryosong panganib sa ating kalusugan.
Maaari itong magdulot ng; sakit sa puso, type 2 diabetes, high blood pressure, mataas na cholesterol at hirap sa paghinga.
Para matulungang lumiit ang tiyan at maging healthy, kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas, gulay at whole grains.
Bawasan ang pag-inom ng mga matatamis na inumin.
Bawasan ang pagkain ng matataba, maaalat at mamantikang pagkain
At magkaroon ng regular na ehersisyo upang makatulong sa pagtunaw ng taba sa tiyan.