Ikinokonsidera pa rin ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroong mas makapangayarihang mastermind sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid, maliban sa nasuspindeng hepe ng Bureau of Correction na si Gerald Bantag.
Ayon kay Atty. Eugene Javier, supervising agent ng NBI, hindi nila isinasantabi ang palagay lalo’t malaking kaso ang pagpatay.
Idinagdag naman ni Javier na may natatanggap pa silang impormasyon kaugnay sa iba pang mastermind pero hindi pa ito maaaring isapubliko hangga’t hindi pa beripikado.
Kahapon opisyal nang sinampahan ng kasong murder si Bantag ng Philipine National Police at NBI, maging ang Persons Deprived of Liberty na sangkot sa pagpatay kay Mabasa.
Kinabibilangan ang mga ito Nina Mario Alvarez, Joseph Georfo, Christam Ramac, Ricky Salgado, Ronnie Dela Cruz, at Joel Reyes.