Nanawagan sa Basketball Regulating Organizations ang isang mambabatas na magkaroon ng mental at physical check-up ang mga basketball player.
Kasunod ito ng naganap na kaguluhan sa Season 98 ng ncaa na kinasangkutan ng mga manlalaro ng College of St. Benilde at JRU player na si John Amores.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Quezon City Rep. Franz Pumaren na isa ring dating professional basketball player at coach, dapat nang repasuhin ang rules and regulations sa mga liga sa bansa.
Iginiit ni Pumaren na kailangang magkaroon ng mataas na standards sa bawat game ang bansa, upang maiwasan ang anumang uri ng gulo na posibleng kasangkutan ng mga atleta.
Layunin nitong malaman ang lagay o kundisyon ng mga manlalaro bago sumabak sa game at maiwasan ang gulo habang nasa gitna ng laro.
Dapat din na magkaroon sila ng certificate mula sa kanilang mga doctor na nagpapakitang sila ay mentally at physically fit to play para maiwasan ang pangingibabaw ng emosyon ng bawat players.