Mariing itinanggi ng Task Force Bangon Marawi na may umiiral na mental crisis sa mga bakwit o evacuee na nasa Iligan at Cagayan de Oro cities.
Ito’y makaraang lumabas ang ulat na marami sa mga nagsilikas na residente sa Marawi ang nawawala na umano sa kanilang sarili dahil sa trauma na kanilang sinapit bunsod ng pagsalakay ng Maute – ISIS terror group.
Pero inamin ni Task Force Bangon Marawi Spokesman James Kristoffer Purisima na may inaasikaso silang ilang bakwit na nasa evacuation centers na nakararanas ng trauma.
Giit ni Purisima, hindi naman maituturing na mental health crisis ang nasabing kaso dahil normal namang nakaranas ng trauma ang ilang bakwit kaya’t isinasailalim nila ang mga ito sa stress debriefing, counselling at binibigyan ng psycho-social support.
Kasunod nito, tiniyak ni Purisima na nananatiling naka-alalay ang DSWD o Department of Social Welfare and Development gayundin ang health department para tulungan ang mga internally displaced persons.