Pinamamadali na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng national ID system.
Sinabi ni NEDA acting Secretary Karl Kendrick Chua na target ng Pangulo na makumpleto ang 80 hangang 90 million registration bago matapos ang termino nito sa 2022.
Ayon kay Chua nagsisikap na ang Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagparehistro ng 5 milyon sa 2020 para ma-identify na rin sa social amelioration program (SAP).
Ito aniya ay para makapagbukas na rin ng bank account ang nakakuha na ng national ID at mapapabilis ang pagbibigay ng cash assistance at hindi na mag-door to door tulad ng sistema ngayon.
August 2018 nang lagdaan ng Pangulong Duterte ang Philippine Identification System Act na naglalayong pag-isahin ang iba’t-ibang government ID sa pamamagitan nang paglalagay ng single national identification system.