Hindi na nakagugulat para kay Vice President Leni Robredo kung magkakaroon ng panibagong pangulo mula sa Pamilya Duterte ang Pilipinas sa hinaharap.
Ito ang inihayag ni Robredo sa naging panayam sa kanya ng Bloomberg TV.
Ayon kay Robredo, hindi malabong may isa pang Duterte ang tumakbo at manalo sa pagkapangulo ng Pilipinas.
Ito aniya ay dahil wala pang naipapasang batas ang kongreso para makapagpatibay sa probisyon sa konstitusyon hinggil sa political dynasty.
Dagdag ni Robredo, isa lamang aniya ang pamilya Duterte sa mga political dynasties sa Pilipinas.
Magugunitang sinabi ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na kanyang ipinagdarasal ang pagkakaroonng “wisdom” o katalinuhan para makapagpasiya kung tatakbong sa 2022 presidential elections.