Isinusulong ni Senator Win Gatchalian ang pagkakaroon ng isang Philippine online library.
Layunin nitong matiyak na nananatiling ‘pandemic-proof’ ang mga libro at learning materials sa gitna nang pagdiriwang ng library and information services month sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang magiging papel ng mga digital education tools upang maiwasan ang “learning loss” dahil sa pagkaantala ng mga pasok sa paaralan.
Magkakaroon din anya ang mga mag-aaral ng mas malawak na access sa mga textbooks at materials.
Sa ilalim ng Senate Bill 447 o Philippine Online Library Act, gagawa ang Department of Education (DepEd) ng mga digital copies ng mga textbooks at ipunin ito sa Philippine online library na patatakbuhin naman ng DepEd at Department of Information and Communications Technology. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla