Umapela ang Organization for Pinoys with Disabilities Inc. sa Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng pagsasanay hinggil sa PWD awareness and sensitivity.
Ito’y matapos ang insidente ng pamamaril ng isang pulis sa isang disi otso anyos na lalake na sinasabing mayroong autism sa Valenzuela City.
Ayon sa pahayag ng grupo, mahalagang sumailalim ang mga pulis sa naturang pagsasanay upang hindi na maipagpatuloy ang mga ganitong krimen kung saan wala namang kalaban-laban ang mga PWD.
Kasabay nito, mariing kinondena ng grupo ang nangyari kay Edwin Arnigo na kanilang inilarawan bilang “sensless at disturbing” na pagpatay sa binatilyo.