Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na mas matatag ang demokrasya sa isang bansa kung regular na nagkakaroon ng halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, naniniwala syang ito ang posisyon ng buong komisyon.
Ginawa ni Guanzon ang pahayag matapos na pumasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections na nakatakda sa susunod na taon at gawin na lamang ito sa 2022.
Sinabi ni Guanzon na kung maisasabatas ang pagpapaliban sa Barangay at SK elections ay handa namang sumunod ang COMELEC.
Nangangahulugan aniya ito na dalawang eleksyon ang kailangan nilang paghandaan sa 2022 —isang presidential elections sa Mayo at Barangay at SK elections pagdating ng Disyembre.