Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagtatayo ng pampublikong Math at Science High School sa lahat ng probinsya sa bansa.
Sa Senate Bill no. 476 o Equitable Access to Math and Science Education Act, layon ng panukala na magkaroon ng dekalidad na edukasyon sa bansa, para humubog ng galing ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng matematika, agham at teknolohiya.
Tiniyak naman ni Gatchalian na magiging tulong ang panukala para magkaroon ng mas maraming propesyunal ang Pilipinas sa mga nasabing larangan.
Samantala, muling ipinakita ng senador ang pagkadismaya sa resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment, kung saan nasa pinakamababang pwesto ang Pilipinas.