Isinusulong sa Kamara ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng Sierra Madre Development Authority (SMDA).
Sa House Bill no. 1972 na inihain ni Rizal Rep. Fidel Nograles, layunin nitong maprotektahan ang bundok ng Sierra Madre upang mapreserve ang natural environment nito sa gitna narin ng climate crises sa buong mundo.
Nabatid na nanawagan ang ilang mga grupo at environment advocates na patatagin ang pangangalaga nito dahil ito umano ang humaharang sa mga nangyayaring kalamidad sa nabanggit na lugar partikular na ang bagyo.
Sakaling aprubahan na ang naturang panukala, ang SMDA ang siyang mamumuno sa mga environment protection efforts kagaya ng reforestation campaigns at pagsugpo sa illegal logging.