Posibleng magkaroon ng special election sa Jones, Isabela matapos na sunugin ang vote counting machine (VCM) doon noong Martes, isang araw matapos ang eleksyon.
Ayon kay COMELEC director Frances Arabe, may naka-pending na rekomendasyon sa commission en banc na magkaroon ng special election sa naturang bayan sa Mayo 20.
Aniya, posible kasi ang laman na mahigit 1,000 boto ang nasunog na VCM na posibleng makaapekto pa sa mananalong opisyal sa lokal na kandidato at partylist group.
Una nang naaresto ng mga otoridad ang dalawa (2) sa pitong (7) mga suspek sa panununog sa mga VCM.