Mahaharap sa usaping legal ang panukalang pagkakasa ng bakuna bubbles para ihiwalay ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 mula sa mga hindi pa bakunado.
Ito ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ay dahil pasok sa nasabing hakbangin ang isyu ng diskriminasyon.
Sinabi ni Guevarra na mayroong valid medical reasons ang ilang tao kaya’t hindi dapat mabakunahan kontra COVID-19.
Binigyang diin pa ni Guevarra na ang panukalang pagkakaroon ng bakuna bubbles ay kailangan para protektahan ang mga nabakunahan na gayundin ang mga hindi pa natuturukan, himukin ang mga hindi bakunado para magpa bakuna na at makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Ito aniya ay bagamat hindi pa available ang bakuna sa ilang lugar.