Tiniyak ng Philippine National Police o PNP sa publiko na magpapatuloy ang kampaniya kontra iligal na droga kahit nasa gitna ng pandemiya.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng pagkakasabat ng kabuuang P5.7 milyong halaga ng iligal na droga sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa lungsod Maynila.
Ayon kay Eleazar, inatasan na niya ang Manila Police District o MPD na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil dito upang malaman kung sinu-sino ang mga nasa likod nito at kung sila ba’y kabilang sa malalaking sindikato ng iligal na droga.
Magugunitang aabot sa anim hanggang pitong suspek ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon partikular na sa Tondo kahapon at sa San Miguel noong Lunes.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)