Ipinagdiwang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagkakabilang ng isla ng Boracay sa ‘50 world’s greatest places of 2022’ ng Time magazine.
Ayon kay DENR OIC Secretary Ernesto Adobo, Jr, ang parangal mula sa award-winning publication ay patunay ng tagumpay ng pagsasaayos ng Boracay sa ilalim ng Duterte administration.
Sa July 25 hanggang August 1 issue ng Time magazine, isinama ang naturang isla sa 50 “top spots to visit this year” sa buong mundo.
Nagmula ang mga nominasyon sa network ng correspondents at contributors ng nasabing American News Magazine.
Mayo a – 8 noong 2018 inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 53 na bumuo sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) Na layuning bumuo, pangasiwaan at mahigpit na ipatupad ang mga batas at ordinansa para sa rehabilitasyon ng bora.
Kinilala rin ni Adobo na dating BIATF Secretariat head, ang pamumuno ni dating DENR Secretary at Task Force Chairman Roy Cimatu, mga co-chair na sina dating Secretaries Eduardo Año ng DILG at Bernadette Romulo-Puyat ng DOT Sa tagumpay ng rehabilitasyon ng isla.