Ikinalugod ng Climate Change Commission (CCC) ang pagkakasama ng accelerated climate change agenda sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Partikular na binanggit ni CCC Vice Chair and Executive Director (VCED) Robert E.A. Borje ang “Chapter 15: Accelerate Climate Action and Strengthen Disaster Resilience” na napabilang sa PDP.
Ayon kay Borje, mahalaga ito upang mas mapalakas pa ang commitment ng gobyerno sa paglalapat ng mga karampatang aksiyon laban sa pabago-bagong klima.
“The PDP Chapter 15 reflects the Philippine Government’s commitment and dedication to enhance the nation’s overall resilience to climate change and its impacts, putting a premium on the need for integrated and comprehensive climate action between and among government, partners, and all stakeholders,” wika ni Borje.
Tinukoy naman sa Chapter 15 ng PDP ang mga layunin sa mga komunidad, institusyon at natural at built environment para maging mas matatag o resilient sa mga epekto ng natural hazards at climate change sa tinurang panahon.
Ang PDP, na kumakatawan sa six-year vision ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., ay binuo ng National Economic and Development Authority (NEDA), kasama ang ilang government agencies at stakeholders.
Upang masuportahan at mapagana ang PDP 2023-2028, sinabi ni Borje na ina-update na rin ng CCC ang National Climate Change Action Plan (NCCAP), gayundin ang Nationally Determined Contribution (NDC), habang pinaiigting din ang implementasyon ng National Climate Risk Management Framework (NCRMF), at isinusulong ang National Adaptation Plan (NAP).
Aminado naman si Borje na kailangan nilang magdoble-kayod, katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno, upang maisakatuparan ang mga ito.
Maglalaan aniya ang gobyerno ng P453.1 bilyon upang magamit ng National Government Institutions (NGIs) para sa adaptation at mitigation programs.
“CCC is working very closely with the Department of Budget and Management to achieve the objective of increasing overall NGI submissions significantly,” ani Borje.
Samantala, isiniwalat ni Borje na mas palalakasin pa nila ang kapasidad ng mga komunidad at lokal na pamahalaan o LGUs sa pamamagitan nang pagbubuo, pagpapabuti at pagsusumite ng Local Climate Change Adaptation Plan (LCCAP).
“The CCC will continue to further strengthen its public-private-community engagements to further develop public awareness and understanding on climate change, and further improve the quality of risk and vulnerability assessments,” pahayag ni Borje.
Sa 1,715 LGUs, kabuuang 1,397 na ang nakapagsumite ng kanilang LCCAPs noong 2022 kumpara sa 715 submissions mula sa mga lokal na pamahalaan noong 2021 na nangangahulugang nagkaroon ng 42% na pagtaas.
Maliban dito, sinabi ni Borje na patuloy silang makikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maabot ang kanilang target na bilang.
“We will intensify our partnerships with the private sector, CSOs and other stakeholders as necessary, as well as provide CCC technical support to build the capacities of our LGUs and enhancing LCCAPs, including in the areas of risk and vulnerability assessment, greenhouse gas inventory, and local climate budget tagging,” dagdag pa ng opisyal.