Ikinalugod ng Malakanyang ang pagkakasama ng Maute-ISIS Group sa listahan ng mga teroristang grupo ng Estado Unidos.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maituturing na positive development sa kampanya ng pamahalaan kontra terorismo ang pagkakabilang ng Maute–ISIS group sa listahan ng US Foreign Terrorist Group.
Dagdag ni Roque muli ring pinagtibay nito ang matagal nang paniniwala ng pamahalaan na binubuo ang Maute Group ng mga lokal na terorista na pinopondohan naman ng mga dayuhang terorista.
Nagpapatunay din aniya ito na kinikilala ng Estados Unidos ang mga naging hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista
Sinabi pa ni Roque na nagpapakita rin ito ng pagkakaisa lahat ng mga bansa para maresolba at tuluyang mapuksa ang terorismo para sa ligtas at matiwasay na mundo.
Krista de Dios / Jopel Pelenio / RPE