Malaking tulong sa kampanya ng Pilipinas kontra terorismo ang pagkakasama ng Maute group sa listahan ng mga terorista ng Estados Unidos.
Ayon kay Director Arsenio Andolong, spokesman ng Department of National Defense, siguradong mahihirapan na ang Maute group na makakuha ng pondo mula sa kanilang financial network sa Amerika.
Malaking bagay rin anya ito para mapigilan na ang patuloy na pagre-recruit na ginagawa ng Maute group sa labas ng Marawi City lalo na sa bahagi ng Lake area ng Lanao.
Bago pa nila dineklara ‘yan, may access na sila sa financial networks nila sa Amerika at dahil naging kasama na sila sa listahan na ‘yan, pati ‘yung kanilang propaganda sa internet at sa social media ay babantayan na po ‘yan, dahil dito mas mahihirapan na mag-recruit ang Maute at magpondo ng kanilang mga aktibidad dito. Pahayag ni Andolong
Ayon kay Andolong, malaking bagay rin ang pagkaka-aresto kay Juromee Dongon, asawa ng napatay na Malaysian terrorist na si Julkifli Hir alyas Marwan.
Sinabi ni Andolong na kay Dongon malimit pinadadaan ang mga komunikasyon at pondo ng mga terorista.
Sa pagkakaalam namin ay dumadaan ang ilang bahagi ng kanilang communication diyan sa kanyang asawa at pera na ginagami nila pang-ikot ng tao nila. At the same time, sa ating mga Southeast Asian neighbors, napakita natin na tayo ay seryoso sa ating kampanya. Paliwanag ni Andolong