Hindi na nagulat ang Malakaniyang sa pagkakasama ng Pilipinas sa mga bansang pinaka delikadong tirahan ng mga mamamahayag.
Ito, ayon kay Joel Egco, executive director ng Presiential Task Force on Media Security ay dahil wala pang hatol sa Maguindanao Massacre Case na nangyari noong 2009.
Subalit maaari aniyang magbago ang ihip ng hangin sa susunod na taon kapag nahatulan na ang nasabing kontrobersyal na kaso.
Base sa New York Based Committee to Protect Journalists Global Impunity Index ngayong 2019, ika lima ang Pilipinas sa mga tinaguriang most dangerous countries para sa media at nangunguna sa listahan ang Somalia na sinundan ng Syria, Iraq at Mexico.