Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may kalalagyan ang 6 na Pulis Caloocan na sangkot sa pagnanakaw ng ayuda mula sa isang tindero.
Ayon kay NCRPO Director, P/MGen. Felipe Natividad, hindi niya mapalalampas ang ginawang ito ng mga naturang Pulis na tahasang tumataliwas sa kanilang misyon na ipagtanggol at paglingkuran ang publiko.
Binigyang diin pa ni Natividad na walang puwang sa kanilang hanay o maging sa buong PNP ang mga ganitong klase ng tao at hindi nila ito kailanman kukunsintihin.
Kasunod nito, umapela si Natividad sa publiko na huwag mag-atubiling isumbong sa kanila ang sinumang Pulis na mang-aabuso sa mga Pilipino at lantarang gumagawa ng katiwalian.
Una nang sinibak ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos sa puwesto ang 6 na Pulis na mula sa Drug Enforcement Unit ng Caloocan CPS dahil sa pagnanakaw ng 14 na libong pisong ayuda mula sa tinderong nakilalang si Eddie Yuson, isang linggo na ang nakalilipas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)