Dumistansya ang Malakanyang sa batuhan at sagutan ng akusasyon nina Senador Panfilo Lacson at outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Kasunod ito ng sagot na akusasyon ni Faeldon laban kay Lacson na sangkot umano sa smuggling ng semento ang anak ng senador na si Pampi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, suportado ni Pangulong Rodrigong Duterte ang anumang imbestigasyon na isinasagawa laban kay Faeldon at hindi makikiaalam ang Malakanyang dito.
Kaugnay naman sa akusasyon ni Faeldon sinabi ni Abella na kailangan munang beripikahin ito at dumaan sa masusing imbestigasyon.
Matatandaang, sa privileged speech ni Lacson, sinabi nito na tumanggap si Faeldon ng 100 milyong piso sa pag-upo nito at tinukoy rin ang mga personalidad na sangkot sa ‘tara system’ sa BOC o Bureau of Customs.